Tuloy-tuloy ang isinasagawang paghahanda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense sa posibleng pagtama ng mga kalamidad at sakuna sa bansa.
Bunsod nito, muling magkakaroon ng simultaneous earthquake drill sa Septembr 28.
Sa pagkakataong ito, sa Baranggay San Francisco, Biñan, Laguna ang magiging national ceremonial venue na pangungunahan ng Region 4A o CALABARZON Office of Civil Defense.
Layunin ng drill na masubok ang mga nakahandang plano ng pamahalaang local sakaling lumindol ng malakas.
Kabilang sa mga inihandang scenaryo ay ang pagkakaroon ng aksidente, pagbagsak ng mga istraktura, pagkatagas ng kemikal at pagsagip sa mga natrap sa matataas na gusali.
Muli namang nanawagan ang NDRRMC sa publiko na makiisa sa earthquake drill challenge, gamit ang hashtag na pagyanig sa mga i-uupload na videos at photos ng nasabing drill.
(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)
Tags: 3rd quarter simultaneous earthquake drill, isasagawa sa September 28