3M+  MT ng imported rice ngayong taon, ikinababahala ng mga magsasaka

by Radyo La Verdad | October 21, 2022 (Friday) | 5100

METRO MANILA – Base sa datos ng Bureau of Plant Industry, mula Enero hanggang October 13 ay halos nasa 3.098 Million metric tons na ang nakarating na imported na bigas sa bansa.

Noong nakaraan taon naman ay umabot sa 2.771 Million metric tons ang kabuoang inangkat ng bansa.

Pinakamarami sa mga inangkat ay mula Vietnam, pangalawa sa Myanmar at sinundan ng Thailand.

Una ng nanawagan na ang Samahang Industriyang Agrikultura (SINAG) na huwag itaon sa anihan ang pag-aangkat ng palay.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture, ang presyo ng imported premium rice ay P45 kada kilo, 42 sa well-milled at 38 sa regular milled.

Halos pareho lang ito sa presyo naman ng lokal na bigas. Hinihintay pa ng UNTV ang pahayag ng Department of Agriculture (DA) hinggil sa isyu ng importasyon.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,