Napinsala ang ilang bahay at shops at ilan rin ang nasugatan sa pagsulpot ng malakas na water sprouts dulot ng tinawag nilang freak storm sa Cuba.
Ayon sa ulat nabuo ang water sprouts noong Sabado ng gabi sa Playa de Caimito sa katimugang bahagi ng Cuba.
Ayon sa nakakita sa pangyayari na inilabas sa state-run website na Cubadebate, umabot sa limang metro ang taas ng water sprout na mas mataas pa sa mga alon.
Mabilis din umano ang takbo ng mga watert sprout na nasa pito ang bilang.
Sa biglang pagsulpot ng malalakas na water sprouts kasabay ng naglalakihang alon sa baybayin ng Playa Caimito sa Cuba nitong weekend.
Walang napaulat na nasawi subalit maraming residente ang nasugatan sa insidente.
Sa ngayon ay inisikap ng mga residente na maisalba ang lahat ng kanilang mapapakinabangang gamit.
Ayon sa state media, ito ang kaunaunahang pagkakataon na nasaksihan ang nasabing pangyayari sa Playa Caimito sa Cuba.
Tags: 38 indibidwal, Cuba, water sprouts