354-Year-Old Map ng Australia, tampok sa National Library ng bansa

by Radyo La Verdad | November 9, 2017 (Thursday) | 3109

Isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansang Australia itong mapa na ito na tinawag na Archipelagus Orientalis o Eastern Archipelago. Ginawa ito ng master cartographer ng East India Company na si John Blaeu noong 1663.

Sa mapang ito, makikita ang detalyadong coastline ng Australia, gayundin din ang tungkol sa unang sighting noong 1642 ng pamosong hayop na matatagpuan lamang sa bansa, ang tasmanian devil.

May sukat itong 46 by 60 inches at syang naging basehan ng mga sumunod na ginawang mapa ng Australia.

Natagpuan itong mapang ito sa isang storage facility sa Sweden noong 2010 bago na-acquire ng National Library ng Australia.

Bagamat matinding pinsala na ang tinamo nito dahil sa lumipas na matagal na panahon ay nagawa itong i-restore ng mga eskperto.

Tumagal ang proseso sa loob ng apat na taon at ngayong Linggo lamang ito nai-display sa National Library ng Australia sa Canberra.

 

( Erly Briones / UNTV Correspondent )

Tags: , ,