Nagpulong ang liderato ng Kongreso kahapon sa isang hotel sa Mandaluyong City upang pagusapan ang kanilang magiging prayoridad sa second regular session ng 17th Congress.
Dumalo dito sina Senate President Aquino Pimentel III, House Speaker Pantaleon Alvarez, majority leaders Cong. Rudy Farinas at Sen. Tito Sotto at Minority leaders Cong. Danilo Suarez at Sen. Franklin Drilon.
Sa unang quarter ng 2nd regular session na magsisimula ngayong Lunes hanggang Oktobre, target nilang maipasa ang tax reform package, traffic crisis at emergency powers act, national id system at end of contractualization.
Hindi naman kasama sa priority legislation ng Kongreso ang panukalang postponement ng Sangguniang Kabataan at Barangay Elections na nakatakdang sa Oktubre.
Bagaman walang inilagay na timeline, tututukan din ng Kongreso ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law.
Bubuo na rin ng isang technical working group na gagawa ng proposed draft para sa federalism.
Kumpiyansa naman ang liderato ng Kamara na maipapasa nila ang mga natukoy na priority legislation dahil marami naman aniya dito ay tapos na sa kanila sa 3rd at final reading katulad ng tax reform at ang trabaho ay sa Senado na.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Kongreso, panukalang batas, Senado