34 patay sa diarrhea sa Samar at Leyte; outbreak, idineklara sa tatlong bayan

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 2496

JENELYN_DIARRJEA
Patuloy nang tumataas ang kaso ng diarrhea sa probinsiya ng Samar.

Sa ulat ng Department of Health, nasa 2,947 na ang kaso ng diarrhea sa Catbalogan, Calbiga at Sta. Rita sa Samar pati na sa Hilongos, Leyte at 34 sa mga biktima ang nasawi.

Kaya ang DOH, nagdeklara na ng diarrhea outbreak.

Hindi pa matukoy ang klase ng bacteria o virus na naging sanhi ng sakit dahil kasalukuyan pa itong sinusuri.

Isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkalat ng sakit ay ang pag-inom ng kontaminadong tubig mula sa ilog at kung minsan ay sa ulan matapos na matuyo noong panahon ng tagtuyot ang mga balon na pinagkukuhanan ng water supply sa mga probinsiya.

Namigay na ang DOH ng mga gamot sa rural health units para sa mga tinamaan ng diarrhea na karamihan ay mga bata.

Namahagi rin sila ng containers sa mga residente upang masegurong malinis ang paglalagyan nila ng tubig.

Gumawa na rin ng mapping ang DOH sa mga lugar sa samar na apektado ng kaso para sa planong intervention nang huwag na itong kumalat pa sa ibang bayan.

Makikipag-pulong rin ang DOH sa Office of the Civil Defense para magamit ng tatlong bayang apektado ng outbreak ang kanilang quick response fund upang matulungan ang mga biktima.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: ,