Ibinaba na ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa tatlumpu’t apat na mga eroplano ang posibleng pagmultahin matapos na lumapag ang mga ito sa runway ng NAIA nang walang kaukulang abiso.
Ayon kay MIAA General Manager Eddie Monreal, bagaman pinagsabihan na lamang nila ang airline company na lumabag sa protocol, kinakailangan pa ring patawan ng multa ang mga ito bilang parusa sa pagbalewala sa polisiya ng MIAA.
Apat sa mga uncoordinated flight na dumating sa NAIA sa kasagsagan ng runway mishap ay mula sa Xiamen airways, habang tumanggi na ang MIAA na tukuyin ang iba pang mga airline na hindi nag-abiso ng pagdating ng kanilang mga eroplano.
Inaalam pa ng MIAA kung magkano ang ipapataw na multa sa mga lumabag na airline company.