34 close contacts ng UK variant index case sa Mt. Province, postibo sa Covid-19

by Erika Endraca | January 26, 2021 (Tuesday) | 1057

METRO MANILA – Lumabas sa contact tracing ng Department Of Health (DOH) at mga otoridad sa Bontoc, Mountain Province na 144 ang kabuoang bilang ng close contacts ng 12 nag- positibo sa UK variant.

116 ang nasuri at 34 sa mga ito ay positibo sa Covid-19 . 6 naman sa mga ito ang negatibo sa UK variant.

Habang 28 ang hinihintay ang resulta sa sequencing ng kanilang swab sample .

Lumalabas din na may 3 cluster ng infection o pinagmulan ng hawaan sa Bontoc, Mountain Province

Ngunit nilinaw din naman ng DOH na posibleng may iba pang pinagmulan ang hawaan ng sakit kaya patuloy ang kanilang imbestigasyon.

Batay sa inilabas na detalye ngDOH , ang 12 kaso ay nakasalamuha ng 1 indibidwal na galing sa United Kingdom noong December 13.

Napag-alaman na umuwi siya sa Bontoc, Mounatin Province noong December matapos mag- negatibo ang swab test.

Dumalo umano ito sa isang party noong December 25 at ritual gathering noong December 26.
December 29, nakaranas ng abdominal pain, isa sa sintomas ng Covid-19.

Ngunit hindi pa maaaring sabihing ang nagyaring hawaan ay isang superspreader event dahil patuloy pa rin ang imbestigasyon.
Samantala, may 97 namang natukoy na close contacts ang isang UK variant case sa La Trinidad, Benguet. 4 sa mga ito ay postibo na rin sa Covid-19 nguni’t wala pang detalye kung ang kanilang sample ay isinailalim na rin sa sequencing

Ang close contacts naman ng 2 returning OFW mula sa lebanon na nag- positibo rin sa UK variant ay kasalukyang pang tinutunton ng DOH.

Maging ang mga nakasalamuha ng isa pang UK variant case sa Calamba Laguna. Nanatiling 17 ang kaso ng UK variant sa Pilipinas .

Isang residente ng Quezon City mula sa Dubai, 12 kaso sa Bontoc, Mountain Province , 1 sa La Trinidad, Benguet. 2 returning OFW mula sa Lebabon at isa pang UK variant case sa Calamba, Laguna.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: