31 barangay sa Central Luzon na hindi nakikipagtulungan kontra iligal na droga, isusumite ng PNP kay Pres.Duterte

by Radyo La Verdad | August 26, 2016 (Friday) | 1181

JOSHUA_ISUSUMITE
Patuloy ang ginagawang maigting na kampanya ng administrasyong Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Philippine National Police upang tuluyang sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

Ipihayag naman ni PNP Region 3 acting Director PCSupt.Aaron Aquino, bagamat puspusan ang ginagawang kampanya kontra iligal na droga dito sa rehiyon ay may mga lugar dito na hindi seryoso o sumusuporta sa kampanyang ito.

Ayon kay Aquino, tatlumput isang barangay dito sa central ang hindi nakikiisa sa kampanyang ito.

Dalawamput syam na Barangay Nueva Ecija at dalawang barangay naman aa lalawigan ng Tarlac.

Ang tatlumpung barangay na ito ay ire-report ng PNP Regional Office 3 kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay upang malaman ng pangulo na hindi lahat ng mga barangay ay suportado ang kanyang kampanya.

Dagdag pa ni Aquino, bahala ng mag desisyon si Pangulong Duterte kung ano ang gagawin nyang hakbang tungkol sa mga barangay na hindi nakikiisa sa kanyang kampanya.

Samantala, kasalukuyang nakakulong ngayon ang isang barangay kagawad sa bayan ng Sto.Tomas.

Nahuli ang kinilalang kagawad ng Barangay San Matias na si Jammam James Lugtu, 33 years old sa isinagawang buy bust operation ng PNP Sto.Tomas.

Nakuha kay Bondoc ang walong sachet na hinihinalang mga shabu.

Si Bondoc ay pang labing tatlo ng nahuli ng PNP Sto.Tomas sa loob lamang ng isang buwan.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,