Sinimulan na kahapon ng Chinese military ang anim na araw na maritime exercises malapit sa isa sa mga isla na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas at China.
Ayon sa official statement na inilabas ng Chinese Maritime Safety Administration, ang drill ay nakatakdang matapos sa ika-labing isa ng Hulyo, isang araw bago ang paglalabas ng desisyon ng Arbitral Tribunal sa July 12 kaugnay ng inihaing arbitration case ng Pilipinas laban sa China.
Ayon sa isang maritime law expert, isang paraan ito ng China upang magpakita ng military strength sa mga kalapit na bansa.
(UNTV RADIO)
Tags: Chinese military, Military drill