30 smuggled luxury cars, sinira ng Bureau of Customs

by Radyo La Verdad | February 7, 2018 (Wednesday) | 3144

Isa sa highlight ng pagdiriwang ng Bureau of Customs sa kanilang ika-116 na Founding Anniversary kahapon ang pagsira sa tatlumpung smuggled luxury cars sa South Harbor Port Area, Manila.

Ilan sa mga luxury cars ay mga used o gamit ng Lexus, BMW,  Mercedes Benz, Audi, Jaguar, Hyundai Equus at Corvette Stingray. Nagkakahalaga ang mga ito ng mahigit animnapung milyong piso.

Kasabay din na sinira ang sampung smuggled luxury cars sa Port of Davao at Port of Cebu. Personal na sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsira sa mga smuggled luxury cars.

Samantala, iniutos naman ng Pangulong Duterte kay DILG OIC Undersecretary Eduardo Año na ipagbili ang scraps ng mga sinirang smuggled luxury cars sa junkshop.

Iprinisinta naman ni Commissioner Isidro Lapeña ang accomplishments ng kawanihan mula nang manungkulan noong August 30, 2017.

Bukod sa mga pagbabago sa kawanihan tulad ng reshuffling at reassignment sa mga opisyal at empleyado sa provincial ports bilang bahagi ng kanilang anti-corruption campaign.

Nagpatupad din sila ng no tara, no pasalubong, no gift no take policy. Iniulat din ni Commissioner Lapeña na sa taong 2017 naabot ng BOC ang 98% na actual collection at target ng kawanihan.

Ngayong taon, target naman ng kawanihan na abutin ang 598 billion na collection at ang full automation sa kanilang sistema.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,