30 Pilipino mula sa Wuhan, China, dumating na sa Pilipinas

by Erika Endraca | February 10, 2020 (Monday) | 54815

February 6 – nang dumating sa Wuhan City ang mga Department of Foreign Affairs (DFA) repatriation team para asikasuhin ang pagpapauwi sa mga Pilipino na nasa ground zero ng 2019-Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD).

Nitong Biyernes February 8 maagang pumunta sa Tianhe Interntional Airport ang mga ito para hintayin ang chartered flight na kanailang sasakyan.

Magaalas-10 ng gabi ng nang umalis ang 8-man team ng DFA at doh papunta sa Wuhan City.

May banta man ng 2019 Novel Coronavirus sa lugar na kanilang pupuntahan, lakas loob at masaya silang umalis ng bansa para sunduin ang ating mga kababayan habang bitbit at winawagayway ang watawat ng Pilipinas.

Pasado alas-4 ng umaga Kahapon (Feb. 9) nang umalis sa Tianhe International Airport sa Wuhan ang mga Pilipino sakay ng airport ang Royal Air Chartered flight

Sa loob ng eroplano, nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE) mga tauhan ng DFA at DOH. Base sa panuntunan susuriin muna ang mga pasahero bago sumakay ng eroplano.

Lahat ng may sipon, ubo, lagnat at respiratory symptoms ay hindi papayagang sumama sa flight. Kung sa kasagsagan ng biyahe naman kinakitaan ng mga nasabing sintomas ang simoman sa kanila ay ihihiwalay ito sa ibang mga pasahero.

Paglapag ng eroplano muling susuriin ang lahat ng mga sakay nito ang lahat ng kinakitaan ng sintomas ay ididiretso sa ospital habang ang walang respiratory symptoms ay dadalhin agad sa quarantine facility.

Maga-alas7 ng umaga Kahapon (Feb. 9) nang lumapag sa Clark International ang chartered flight na lulan ang 29 na adult at isang bata.
Walang simoman sa kanila ang kinakitaan ng sintomas ng coronavirus.

Hawak pa rin ang watawat ng Pilipinas sinalubong sila ng ng mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan mula sa malayong distansya. Binigyang pagkilala ng DFA at DOH  ang mga miyembro ng health emergency response team dahil sa kabayanihang kanilang ginawa upang sunduin ang ating mga kababayan natin mula sa Wuhan City.

Maging ang naging partisipasyon ng embahada at mga konsulada ng Pilipinas sa China. Panawagan ng DFA sa mga Pilipinong naiwan sa Hubei, China na nais umuwi ng Pilipinas na makipag-ugnayan lamang sa konsulada ng Pilipinas sa Shanghai.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: , ,