Sasampahan ng kasong administratibo at kriminal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang tatlumpung indibidwal. Kaugnay ito ng nangyaring sunog sa isang mall sa Davao City noong December 2017 na ikinasawi ng tatlumpu’t walong tao.
Ito ay sa oras na ilabas na Deparment of Justice (DOJ) ang kanilang rekomendasyon sa kaso. Kabilang sa mga nakatakdang sampahan ng kasong kriminal ang labing walong opisyal at empleyado ng NCCC mall.
Gayundin ang labindalawang kawani ng City Engineers Office, BFP Davao at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Ayon sa resulta ng imbestigasyon ng Inter-Agency Anti-Arson Task Force na isinumite sa DOJ, nakapatay ang alarm system at sprinkler system ng mall dahil sa ginagawang renovation.
Ngunit hindi ito ipinaalam at ikinuha ng permit sa Bureau of fire Protection (BFP).
Makikipagdayalogo naman si Sec. Año sa pamilya ng 38 biktima upang mas maipaliwanag ang resulta ng nangyaring imbestigasyon.
( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )
Tags: Davao Mall fire, DILG, DOJ