Buwis ang pinagkukunan ng pondo ng gobyerno para sa mga programa ng bansa. Kaya para sa Bureau of Internal Revenue o BIR Cordillera, importante ang pagbabayad ng buwis. Ngayong taon, 8.2 billion pesos ang target na makolekta na buwis sa Cordillera.
Ngunit ayon kay Regional Director Rufino, nasa tatlumpong porsyento umano ng populasyon ang hindi nakapagbabayad ng tamang buwis.
Ayon kay Director Rufino, gumagawa na sila ng paraan upang masolusyunan ang problemang ito. Hindi naman mahirap ang pagbabayad ng tax sa opisina ng BIR dahil pinabibilis na rin ito ng pamahalaan.
Posibleng maharap sa reklamong tax evasion ang sinomang mapapatunayang hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Sa darating na Abril ang deadline sa pagbabayad ng buwis sa Cordillera Region.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: BIR, buwis, Cordillera