30 Million US dollar inalok sa 14-year old na teenager kapalit ng kanyang imbensyon

by Radyo La Verdad | May 20, 2016 (Friday) | 1106

FIRST-AID
Isang teenager sa Alabama ang inalok ng isang malaking health care company ng 30 Million US dollars kapalit ng kanyang imbensyon na kauna-unahang first aid vending machine.

Subalit hindi ito tinaggap ng 14-taong gulang na imbentor na si Taylor Rosenthal.

Mayroon ng nag-invest ng $100,000 para sa imbensyon ng binata at nakatanggap na ito ng 100 order mula sa anim na bansa ng kanyang first aid vending machine.

Kwento ni Taylor, nagkaroon siya ng ideya na gumawa ng first aid vending machine habang nanunuod ito ng baseball tournament.

Napansin nito na walang pang-band aid ang mga magulang sa tuwing nasusugatan ang mga kanilang mga anak sa kalagitnaan ng laro.

Dahil dito naisip nito na gumawa ng first aid vending machine upang mabilis na makakuha ang mga magulang ng supplay ng pang-first aid kahit nasa pampublikong lugar.

Kasama sa prepackaged ng first aid kit ang Band-Aids, hydrocortisone wipes at gauze pads.

Si Taylor ngayon ang CEO at founder ng kumpanyang RecMed na inilunsad nitong nakaraang taon.

Siya rin ang pinakabatang imbentor na i-exhibit ang kanyang invention sa TechCrunch Disrupt sa Brooklyn ngayon linggo.

(UNTV RADIO)

Tags: ,