30 huli sa Oplan RODY ng MPD dahil sa paglabag sa city ordinances

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 2100

OPLAN-RUDY
Hinuli ng mga tauhan ng Manila Police District Barbosa PCP ang nasa tatlumpung tao dahil sa paglabag sa city ordinance ng Maynila.

Siyam ang menor de edad na lumabag sa curfew, apat ang umiinom sa pampublikong lugar, dalawa ang walang pang-itaas na damit at labing lima ang isasailalim sa beripikasyon.

Inikot ng mga pulis ang mga lugar na madalas umanong may reklamo ng mga kabataang nasa labas pa kahit dis oras na at mga nagiinuman sa kalsada.

Habang sa mga computer shop naman nakuha ang ilang mga menorde edad.

Sa ngayon naman ang ilang magulang sa ginagawang paghihigpit ng PNP lalo na para sa mga bata.

May isang menor de edad din na may tatoo sa katawan ang kasamang nahuli sa operasyon.

Posibleng napapasama umano sa hindi magandang barkada ang naturang bata kaya naliligaw na ng landas.

Samantala aminado naman ang mga kalalakihan na nakalabag sila sa ordinansa at nangakong hindi na uulit.

Lahat ng mga menorde edad at ituturn over sa dswd habang ang mga nasa wastong edad ay sasampahan ng kaso dahil sa paglabag sa ordinansa.

(Benedict Galazan/UNTV Radio)

Tags: