3 syudad, nakapagtala ng pinakamababang bilang ng crime incidents sa unang quarter ng 2018

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 2590

Nanguna ang Ormoc sa mga siyudad sa bansa na may pinakamababang bilang ng krimen sa unang quarter ng taon. 134 crime incidents ang naitala sa lugar mula Enero hanggang Abril.

Sinundan naman ito ng Cotabato sa Mindanao at pumapangatlo ang Puerto Princesa City sa Palawan.

Ayon kay Directorate for Investigation and Detective Management Crime Research and Analysis Center Chief PSSupt. Noel Sandoval, posibleng isa sa dahilan ng low crime rate sa lugar ay ang epektibong anti-criminality campaign ng mga pulis.

Ang Quezon City naman ang nakapagtala ng pinakamaraming insidente ng krimen sa unang apat na buwan ngayong taon, sinundan ito ng Maynila at Cebu.

Ang Quezon City din ang may pinakamababang crime solution rate o pinakamababang bilang ng nalulutas na kaso na nasa 43.08%.

Sinundan ito ng Manila na may 50.41% crime solution rate at Malabon na nasa 51.05%.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,