3 suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III, pinangalanan ng PNP

by Radyo La Verdad | September 21, 2017 (Thursday) | 3613

Itinuturing nang prime suspect sa kaso ng pagkamatay ni Horacio Castillo III si John Paul Solano, ang lalakeng umano’y nakakita sa katawan ni Castillo at naghatid sa ospital. Nakita sa isang cctv footage na magkasama si Solano at Castillo bago nasawi ang biktima.

Taliwas ito sa unang pahayag si Solano na hindi niya kilala si Horacio at natagpuan lamang niya ito. Bukod kay Solano, itinuturing na ring suspect ng MPD ang mag-amang sina Antonio Trangia at Ralph Trangia. Si Antonio ang napag-alamang may-ari ng sasakyanng umano’y pinara ni Solano para maghatid ng katawan ni Castillo sa Chinese General Hospital. Napag-alaman naman na isang opisyal ng Aegis Juris fraternity si Ralph. Nagsasagawa na ng manhunt operation ang Manila police sa mga suspek.

Samantala, labing anim na indibidwal naman ang itinuturing ng MPD na persons of interest kaugnay sa kaso ni Castillo.

Inilagay naman ng Bureau of Immigration sa look out bulletin ang 16 na miyembro ng Aegis Juris fraternity batay sa utos ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II.Inatasan din ang B.I. na makipag-ugnayan sa NBI upang makuha ang iba pang detalye ng 16 na indibidwal.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,