3 sugatan sa vehicular accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1415

TMBB-QUEZON-CITY
Isinugod ng UNTV News and Rescue Team sa Quezon City General Hospital ang tatlong miyembro ng isang pamilya matapos na lapatan ng paunang lunas ang tinamong pinsala ng mga ito nang mabangga ang kanilang sinasakyang uber car ng isang closed van sa Northbound ng EDSA Quezon Avenue Flyover pasado ala una ng madaling araw.

Minor injuries ang tinamo ng mga biktima na kinilala na sina Manny Villote 50-anyos, Zenny Villote 49-anyos at Katrina Villote 28 anyos na taga Mindanao Avenue.

Tinulungan naman ng MMDA Rescue Team ang driver ng uber car na si Lutgardo Labares na nagtamo ng mga pinsala sa katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police District Traffic Sector 4, magkasunod na binabagtas ng dalawang sasakyan ang EDSA Quezon Ave. Flyover nang bigla na lang banggain ng closed van ang likurang bahagi ng uber car.

Handa namang sagutin ng driver ng closed van ang mga reklamo na isasampa ng mga biktima laban sa kanya.

(Reynante Ponte/UNTV NEWS)

Tags: