3 patay sa pagbagsak ng helicopter sa Malolos Bulacan

by Erika Endraca | April 26, 2019 (Friday) | 67383

The ill-fated chopper half-submerged in a fish pond | Courtesy: PRO3

Malolos, Bulacan – Nasawi ang isang negosyante at 2 iba pa sa pagbagsak ng sinasakyan nilang private helicopter sa isang palaisdaan sa Malolos Bulacan kahapon.

Kinilala ni Bulacan Police Chief of Police Liutenant Cornel Emerey Abating ang isa sa mga nasawi na si Liberato Laus ang chairman at founder ng Laus Group of companies.

Ang Laus Group of comapnies ang isa sa pinakamalaking multi brand dealership ng mga sasakyan sa bansa.

Kasama rin sa namatay ang piloto na si captain Eder Coronel at ang bodyguard na si Wilfran Esteban.

Wasak na wask ang bumagsak na helicopter sa gitna ng palaisdaan sa barangay Anilao, Malolos Bulacan.

Ayon sa Civil Aviation Authority ang helicopter ay umalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) general aviation papuntang San Fernando Pampanga ng 12:28 ng tanghali kahapon, 12:47 naman ng tanghali ng ito ay bumagsak.

Ayon sa nakita pa sa pangyayari mababa na ang lipad ng chopper bago bumagsak. Samantala, ang helicopter na may body number-c8098 ay pagmamayari at inooperate ng laus group of company air transport.

Sa ngayon ay nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng caap sa posibleng sanhi ng pagbagsak ng helicopter. “sa ngayon ang ang ginagawa namin nire-recover na namin itong mga pieces ng air craft  (saan ngakaroon ng problema sir?) Sa ngayon hindi pa namin alam eh pero naka interview na kme ng mga witness.” ani CAAP Aircropt Investigator Harry Faradero .

(Nestor Torres | UNTV News Bulacan)


Tags: , ,