3 patay; 4 sugatan sa pagsabog sa Central China

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 4957
pagsabog sa Central China(REUTERS)
pagsabog sa Central China(REUTERS)

Tatlo ang patay at apat ang sugatan sa pagsabog sa imbakan ng paputok sa Heinan Province sa China kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagsabog sa isang hindi ginagamit na workshop na pinag-iimbakan ng mga ilegal na paputok sa Shijing Village, Jiaozuo City.

Apat na kwarto ng bahay ang nag-collapse.

Agad namang dinala sa ospital ang mga nasugatan.

Sa kasalukyang ay inaalam na ng mga otoridad ang sanhi ng pagsabog.

Tags: , , ,

8 indibidwal, sugatan sa nangyaring pagsabog sa Datu Piang, Maguindanao

by Erika Endraca | September 20, 2021 (Monday) | 12031

Sugatan ang 8 indibidwal sa nangyaring pagsabog habang naglalaro ng volleyball sa Datu Piang Town Center, Maguindanao nitong Sabado (September 18).

Agad na isinugod sa Abpi-Samama Clinic and Hospital ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Ayon kay Datu Piang Mayor Victor Samama, nangyari ang insidente dakong alas-3 ng hapon.

Samantala, iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Guillermo Eleazar sa Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region (PRO BAR) na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang suspek sa nangyaring pagpapasabog.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: , ,

1 patay, 9 sugatan sa panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 9352

Isa ang nasawi habang siyam naman ang sugatan sa panibagong pagsabog sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat alas syete y medya kagabi. Tatlo sa mga biktima ay nasa kritikal umanong kundisyon.

Ayon sa tagapagsalita ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, isang improvised explosive device ang inilagay sa pagitan ng isang internet cafe at department store sa Kalawag 2 sa Isulan, Sultan Kudarat.

Dahil dito, agad na nagpatupad ng pansamantalang lock down ang Philippine Army sa buong bayan ng Isulan.

Mas hinigpitan rin ang pagbabantay sa mga lumalabas at pumapasok sa mga checkpoints. Kinundena naman ng PNP ang nangyaring pagpapasabog.

Ayon kay Philippine National Police Chief Police Director General Oscar Albayalde, ikinalungkot nila ang pagkakadamay ng mga inosenteng tao dahil sa gawa ng mga taong masasama na walang pakundangan sa mga sibilyan.

Sa ngayon ay patuloy ng ginagamot ang mga sugatan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay tatlo ang patay at mahigit 30 ang sugatan sa unang naganap na pagsabog sa bayan.

 

( Janice Ingente / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Lima, sugatan sa pagsabog ng tangke ng tubig sa Sta. Maria, Bulacan

by Radyo La Verdad | February 23, 2018 (Friday) | 11562

Lima ang nasugatan matapos sumabog ang tangke ng tubig sa isang pabrika sa luwasan st. barangay Catmon, Sta. Maria, Bulacan kahapon ng alas tres ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina John Rinz Barrameda, Domingo Barrameda, Marites Magdalena, John Rey Atol at  Shiela Solanoy na nasa wastong gulang.

Tatlo sa mga biktima ay dinala sa Reogaciano Memorial Hospital, habang ang dalawa naman ay dinala sa St. Mary’s Hospital sa Sta. Maria.

Ang nasabing pabrika ay pagmamay-ari ng Sopporo Food Incorporated.

Ayon kay Police Superintedent Sta. Maria Chief Of Police Carl Omar Fiel, inaayos ang tangke nang mangyari ang aksidente. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PNP sa sanhi ng pagsabog.

 

Tags: , ,

More News