3 pang bagong reklamo, isinampa laban kina Health Sec. Duque at dating Sec. Garin kaugnay ng Dengvaxia controversy

by Radyo La Verdad | May 11, 2018 (Friday) | 2846

Patuloy ang paghahanap ng hustisya ng pamilya ng mga batang iniuugnay ang kamatayan sa Dengvaxia. Kahapon, tatlong bagong kaso ang sinampa ng Public Attorney’s Office sa DOJ.

Nag-ugat ito sa pagkamatay ng mga batang sina Marc Axl Eboña, Rei Jazztine Alimagno at Alexzander Jaime.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, kumbinsido ang kanilang forensic team na nagkasakit at namatay ang tatlo dahil sa tinanggap na bakuna.

Kabilang sa mga inireklamo sina Health Sec. Francisco Duque, dating Sec. Janette Garin at iba pang mga opisyal ng DOH at ang mga executives ng Sanofi Pasteur at Zuellig Pharma.

Nagpasaklolo naman kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ina ng isa sa mga biktima. Siyam na criminal complaints na ang naisasampa ng PAO sa DOJ kaugnay ng kontrobersiya sa Dengvaxia.

Sisimulan ng DOJ ang preliminary investigation sa mga naunang kaso sa darating na Martes.

 

( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )

Tags: , ,