3 opisyal ng DSWD nahaharap sa suspension o dismissal dahil sa mga nabulok na relief goods sa Region 8

by Radyo La Verdad | December 22, 2015 (Tuesday) | 3349

JOAN_SOLIMAN
3 opisyal ng Department of Social Welfare and Development ang posibleng masuspende o tuluyang alisin sa pwesto ang kapag napatunayang nagpabaya sa kanilang trabaho kaya nabulok ang relief goods sa Tacloban warehouse.

Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, target nilang tapusin ang imbestigasyon at magdesisyon sa issue bago matapos ang taon.

Sa panayam ng programang Get It Straight with Kuya Daniel Razon sinabi ni Secretary Soliman na inalis na nila sa warehouse responsibility ang mga naturang opisyal, dahil malinaw na hindi nito nagamapanan ng maayos ang kanilang trabaho.

Dagdag pa ng kalihim, trabaho ng DSWD, na tiyaking maididispose ang lahat ng mga relief items bago mag-expired.

November 26, nang matuklusan ang may 200 food packs na ibinaon sa Dagami, Leyte lingid sa kaalam ni Secretary Soliman.

Ang mga naturang foodpacks ay naglalaman ng bigas,gatas , kape at mga de lata.

Ang mga nabulok na relief goods ay para sana sa mga nasalanta ng bagyong Ruby sa Eastern Visayas noong 2014.

Kaugnay nito muli namang tiniyak ng kalihim na ginagawa na ng kagawaran ang mas maayos na repacking system ng mga relief good gamit ang mechanized food repacking.

Layon nito na mapanatiling maayos ang relief goods kapag naipamahagi na ito sa ating mga kababayan na sinalanta ng kalamidad.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,