3 miyembro umano ng vigilante group na sangkot sa EJK, iniharap ng PNP sa media

by Radyo La Verdad | February 10, 2017 (Friday) | 969


Iniharap ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang tatlong lalaking miyembro umano ng vigilante group na sangkot sa iba’t-ibang kaso ng mga Extrajudicial Killings o EJK.

Kinilala ang mga ito na sina Manuel Murillo alyas Joel, Marco Morallos alyas Naldo, Alfredo Alejan alyas Jun.

Isinasangkot ang tatlo sa pagpatay kay Charlie Saladaga, ang labing anim na taong binatilyo na natagpuang nakasilid sa sako at lumulutang sa baybayin ng Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila noong January 2.

Ayon kay General Dela Rosa, ang tatlo ay miyembro ng civilian volunteer organization ng kanilang barangay pero umaaktong mga taga-tumba ng mga pinaghihinalaang drug addict o mga kriminal.

Patunay aniya ito na may nakikisakay sa war on drugs ng PNP.

Tags: ,