Hinahabol ngayon ng BIR ang tatlong kumpanya sa Quezon City dahil sa hindi pagre-remit ng withholding tax o buwis na kinaltas sa kanilang mga empleyado.
Ayon sa BIR, mahigit 22-million pesos na buwis ang pagkakautang ng Gandour Philippines, MH Poly-Electromechs at Gurango Software mula 2013 hanggang 2014.
Natuklasan sa imbestigasyon ng BIR na nag-file naman ng kanilang returns ang nasabing mga kumpanya ngunit hindi nila binayaran ang katumbas nitong buwis.
Ayon pa sa BIR, kakasuhan din ng estafa ang mga respondent dahil pera na ng gobyerno ang withholding tax o ang buwis na kinaltas nila sa mga empleyado.
Paliwanag ng BIR, mas seryoso ito sa ibang kaso ng tax evasion dahil kung tutuusin, hindi lang ang mga empleyado ang ninakawan ng nasabing mga kumpanya kundi maging ang pamahalaan.