Motion for reconsideration, inihain ni Rizalito David ukol sa pagdismiss ng Korte Suprema sa hiling nitong TRO sa pagdedeklara sa kanya bilang nuisance candidate

by Radyo La Verdad | February 19, 2016 (Friday) | 8861

RIZALITO-DAVID
Naghain ng motion for reconsideration si Rizalito David sa Korte Suprema kaninang umaga.

Ito’y kaugnay ng desisyon nitong idismiss ang inihain nyang petition upang ipa-TRO ang ruling ng COMELEC na ideklara syang nuisance candidate.

Ayon kay David hindi tamang naglabas ng minute resolusyon ang korte na nagsasabing may hurisdiksyon ang COMELEC na magdeklara kung sino-sino ang mga nuisance candidate.

Ideneklarang nuisance candidate si David ng COMELEC dahil sa umano’y wala itong sapat na pondo sa pagtakbo.

Ngunit ayon kay Rizalito David hindi totoong wala siyang sapat na pondo.

Gayunpaman, kung hindi man magdesisyon pabor sa kanya ang Supreme Court, nais niyang maglabas ng jurisprudence ang SC na magsasabi kung parte nga ng requirement sa isang kandidato ang pagkakaroon ng pondo.

Naniniwala rin si David na kung hindi lilinawin ang isyung ito, maaring sadyain ng COMELEC na ideklarang nuisance ang mga kandidatong walang pondo ngunit may kakayahan naman na pamunuan ang bansa.

(Darlene Basingan / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,