3 justices at 1 retired justice ng SC, haharap sa impeachment hearing sa Kamara ngayong araw

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 2411

                 (Supreme Court Justices Noel Tijam, Francis Jardaleza at dating SC Justice Arturo Brion)

 

Dumating na sa Kamara sina Supreme Court Justices Noel Tijam, Francis Jardaleza at dating SC Justice Arturo Brion.

Sila ay haharap bilang resource persons sa pagpapatuloy ng impeachment proceedings sa mababang kapulungan ng Kongreso laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Inaasahang babalik din sa Kamara ngayong araw si  Justice Teresita Leonardo de Castro.

Ang mga nasabing justice ay nakatakdang magbigay ng kanilang mga testimonya hinggil sa mga alegasyong nakasaad sa impeachment complaint na inihain ni Atty Larry Gadon.

Ilan sa mga ito ay ang alegasyon hinggil sa umano’y pagmamanipula ni CJ Sereno sa listahan ng Judicial and Bar Council, pagdoktor umano sa temporary restraining order na nilabas ng Korte Suprema at naantalang benepisyo ng mga retiradong justice at judge sa bansa.

Ang mga ito ay una nang pinabulaanan ni Sereno sa kaniyang isinumiteng verified answer sa impeachment committee.

Samantala, target ng kumite na tapusin na ang pagdinig ngayong araw oras na makuha na nila ang mga testimoniya ng nga inimbitahang resource persons.

 

 

Tags: , ,