3 hinihinalang carnapper, patay matapos maka-engkwentro ng QCPD

by Radyo La Verdad | July 13, 2018 (Friday) | 2678

Dead on the spot ang tatlong lalaki matapos maka-engkwentro ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa may Payatas Road, Quezon City kaninang pasado ala una ng madaling araw.

Ayon kay Police Senior Superintendent Ronnie Ylagan, ang deputy director for operations ng QCPD, hindi huminto sa checkpoint ang tatlo at nakipagbarilan pa sa mga pulis.

Naglagay ng checkpoint sa lugar ang mga tauhan ng anti-carnapping section ng QCPD matapos makatanggap ng sumbong kaugnay sa isang insidente ng pang-aagaw ng motorsiklo.

Dumating naman sa lugar ang isa sa mga biktima at positibong kinilala ang mga suspek.

Ayon kay Marvin Bolo, kahapon lang niya nabili ang motorsiklo.

Narekober sa mga suspek ang tatlong kalibre 38 baril at dalawang motorsiklo.

Inaalam sa ngayon ng mga otoridad kung nakaw din ang isang motorsiklo na gamit ng mga ito.

 

( Victor Cosare / UNTV Correspondent )

Tags: , ,