METRO MANILA – Kinilala ng Southeast Asian Education Innovation Awards (SEA EIC) ang 1 pampublikong guro at 2 punong guro dahi sa kanilang natatanging mga inobasyon sa kanilang mga paaralan.
Wagi ang Digital App para sa Mathematics at Reading Video Lessons ni Bb. Joana B. Romero, isang Master Teacher I mula sa Melencio M. Castelo Elementary School sa Payatas, Quezon City.
Feature ng kaniyang game-based digital application at video materials, na makatulong sa Mathematics at Reading skills ng mga mag-aaral sa Kindergarten
Nanguna rin para sa School Head Category si Head Teacher Mary Hazel Ballena mula sa Bucay North Elementary School sa Abra dahil sa kaniyang handheld two-way radios para sa kanilang mga mag-aaral.
Ito ay upang maihatid ang mga leksiyon, magsagawa ng learner assessment, parent orientations at mga pagpupulong.
Isa rin sa nanalo mula sa naturang kategorya ay si Head Teacher Rowan Celestra ng Buenavista Elementary School sa Sorsogon City, na binuo ang E-NAY . COM (Education for Nanay in the Community) na naglalayong bumuo ng learning center sa bawat purok na magsisilbing silid-aklatan, drop-off point ng mga activity modules at sheets, at silid-aralan kung saan magiging katuwang dito ang mga magulang.
Makakatanggap ng tropeyo ng pagkilala at travel dissemination grant na aabot sa 3,000 USD ang mga nasabing guro.
(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)
Tags: DepEd