3-day mourning idineklara sa Iraq, kasunod ng magkahiwalay na bomb attack sa Baghdad

by Radyo La Verdad | July 4, 2016 (Monday) | 2123
Baghdad(REUTERS)
Baghdad(REUTERS)

Nagdeklara ng tatlong araw na pagluluksa si Iraqi Prime Minister Haider Al-Abadi matapos ang madugong pag-atake sa Baghdad noong Sabado na ikinasawi ng isang daan animnaput pito at ikinasugat naman ng dalawang daan.

Ayon sa mga otoridad isang truck na puno ng bomba ang pinasabog ng suicide bomber Karrada.

Makalipas lamang ang ilang minuto isang car bomb naman ang sumabog sa isang outdoor market sa Al-Sha-Ab.

Inako na ng militanteng grupong Islamic State ang pag-atake

Samantala ayon sa embahada ng pilipinas sa iraq wala pa itong natatanggap na ulat na may Pilipinong nadamay sa pambobomba.

Binalaan rin ng embahada ang ating mga kababayan na iwasan muna pumunta sa mga matataong lugar gaya ng mga shopping center at restaurant.

Sa mga gustong maka-uwi sa Pilipinas maaring makipag-ugnayan sa Philippine embassy sa Iraq.

Tags: , ,