Naniniwala ang Population Commission na malaki ang maitutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa kung maipatutupad ang planong three-child policy ng bagong administrasyon.
Sa talumpati nitong Lunes ni President Elect Rodrigo Duterte muli nitong binigyang diin ang plano nitong pagpapatupad ng three-child policy sa bawat pamilyang pilipino.
Sakaling matuloy ang nasabing panukala, naniniwala ang Population Commission na malaki ang maitutulong nito upang mai-angat ang sistemang pamumuhay ng mga pilipino, maging ang economic status ng bansa.
Sa kasalukuyan umaabot na sa mahigit isang daang milyon ang populasyon ng Pilipinas.
Una ng ipinahayag ng Department of Health na pabor sila sa panukalang three-policy dahil sa inaasahang malaking matitipid nito sa pondong ginagamit sa health sector.
(Joan Nano/UNTV Radio)
Tags: 3-child policy