3 bata na nalunod sa Tullahan River noong Linggo, natagpuan na lahat kahapon

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 3332

Matapos ang dalawang araw na paghahanap ng mga rescuer sa tatlong bata na nalunod sa Tullahan River noong kasagsagan ng ulan noong Linggo ng hapon, natagpuan na ang lahat ng mga ito kahapon.

Unang natagpuan si Jillian Salud at Kerby Tejadilla kahapon ng madaling araw. Alas kwatro naman ng hapon ay nakita na ang katawan ni Rheniel Tejadilla.

Nakaburol na ang tatlong bata sa kanilang tahanan sa Barangay Marulas sa Valenzuela City.

Kagabi ay dumating si Special Assistance to the President Chirstopher “Bong” Go upang ipahatid ang kanyang pakikiramay at magbigay ng tulong mula sa pamahalaan.

Samantala, dahil maraming beses na mga insidente ng mga nalulunod sa bahaging ito ng Tullahan River na karamihan sa mga biktima ay mga bata, kinausap na ni SAP Bong Go ang mga kawani ng barangay ng Valenzuela City para mapaigting pa ang pagpapaalala sa mga residente na nakatira sa tabing ilog.

Palalagyan din aniya ito ng mga bakod.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

Tags: , ,