2 sa 3 bata na nalunod sa Tullahan River, natagpuan na

by Radyo La Verdad | September 18, 2018 (Tuesday) | 3965

Labis na pagdadalamhati ang naramdaman ng ina ng isa sa mga nalunod matapos matagpuan ang walang buhay na katawan ng kaniyang anak sa Tullahan River kaninang madaling araw.

Pasado alas dos kaninang madaling araw nang lumutang ang bangkay ni Jillian Salud. Agad itong namukhaan ng mga kamag-anak dahil sa suot niyang damit.

Pasado alas tres naman ng madaling araw ng lumutang ang bangkay ng isa pang bata na kinilalang si Kerby Tejadilla. Positibo din itong kinilala ng kaniyang mga magulang.

Sa ngayon ay si Rheniel Tejadilla na lang ang patuloy na pinaghahanap ng mga rescuer ng Valenzuela City.

Naglalaro lang sa tabing ilog ang tatlong bata noong linggo ng hapon ng anurin ng tubig ang mga ito.

Tumagal ng mahigit tatlumpung oras bago natagpuan ang katawan ng dalawang sampung taong gulang na bata.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,