METRO MANILA – Tuloy na simula ngayong araw ng Lunes, November 20, ang isasagawang 3-araw na tigil pasada ng mga operator at driver na kasapi ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).
Ito’y bilang protesta sa ibinigay na deadline ng pamahalaan para sa consolidation ng mga prangkisa ng mga tradisyunal na jeep sa December 31.
Muling iginiit ng mga ito na mawawalan sila ng hanap-buhay sa planong PUV modernization ng pamahalaan.
Naniniwala ang Piston na hakbang ito ng gobyerno upang i-phase out ang mga tradisyunal na jeep.
Ayon sa Piston tinatayang aabot sa 100,000 mga jeep ang hindi papasada ng 3 araw bilang pakikiisa sa transport strike.
Gagawing ang tigil-pasada sa 20 protest areas sa Metro Manila partikular sa Quezon City sa Novaliches, Philcoa, Litex pati na sa Alabang.
Mayroon din sa mga probinsiya ng Southern Tagalog, Bicol at Cebu. Tatagal ang tigil-pasada hanggang sa araw ng Miyerkules November 22.
Tags: Piston, Transport Strike