2nd tax reform package, target na maisumite sa Kongreso ngayong Enero

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 2507

Corporate income tax reform and fiscal incentives ang nakapaloob sa ikalawang tax reform package ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Finance, hindi nito patataasing lubha ang babayarang buwis ng mga mamamayan.

Kung di pagtitibayin ng kongreso ang kinakailangang tax reform packages ng Duterte administration, ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, hindi rin mapananatili ang three percent na GDP deficit target ng bansa at kinakailangang bawasan ang paggastos ng pamahalaan.

Target itong maipasa ng Duterte administration ngayong buwan ng Enero samantalang ang package three naman ay sa loob din ng taong ito.

Ayon kay Finance Secretary Dominguez, kung pagtitibayin ng kongreso ang tax reform packages at maipapasa bilang batas, mapupunuan ang 25 porsyento sa kabuuang target na 8 trillion pesos upang tustusan ang Build Build Build infrastructure program ng pamahalaan.

Tiwala naman ang opisyal na muling sesertipikahan bilang urgent measure ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga naturang panukala.

Less than one percent naman ang magiging epekto umano ng ibang tax reform packages sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,