Ilalabas na ang pangalawang batch ng listahan ng mga mayors at vice-mayors na sangkot sa iligal na droga sa Central Luzon.
Aabot sa sampung mga alkalde at bise alkalde mula sa Central Luzon ang mapapasama rito.
Ito ay base na rin sa mga ulat na dumarating sa Philippine National Police na involved ang mga ito sa iligal drugs operations.
Inatasan naman ang Regional Investigation Division o RID upang magconduct ng imbestigasyon at upang i-validate kung talagang sangkot ang mga ito sa illegal na gawain.
Inaasahang pagkatapos ng dalawang linggong validation ay makukumpleto na ang pangalawang batch ng listahan ng mga mayors at vice mayors sa Central Luzon na sangkot sa iligal na droga.
Pagkatapos umano na makumpleto at ma-validate ay agad na isusumite ito kay Chief PNP Ronald ‘Bato” Dela Rosa.
Dagdag pa nito ayaw niya umano sa kaniya manggaling ang mga pangalan kundi ito ay nararapat na i-reveal ng pangulo.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: 2nd batch ng listahan ng mayors at vice-mayors, Pangulong Duterte, sangkot sa iligal na droga sa Central Luzon