29 Patients Under Investigation sa bansa, nag-negatibo sa COVID-19 – DOH

by Erika Endraca | February 26, 2020 (Wednesday) | 2068

Metro Manila – 29 na Patients Under Investigation (PUI) ang nakalabas na ng ospital matapos mag-negatibo sa Coronavirus Disease ayon sa Department Of Health.

Kaya naman sa mahigit 600 PUI sa bansa bumaba na sa 98 ang kasalukuyang nasa opsital.

Samantala, sinabi naman ng pahayagang People’s Daily ng China na marami nang pasyenteng gumaling sa COVID-19 at na discharge na sa ospital ang muling nagpopositibo sa nakamamatay na virus.

Ayon pa sa ulat, mas mabagsik at mas nakamamatay umano ang Novel Coronavirus kapag nahawa nito sa ikalawang pagkakataon.

Pero ayon sa World Health Organization, wala pa silang nakikitang ebidensiya ukol dito.

“We have not yet seen evidence of reinfection and the severity of the reinfection. So, that is something that we are still working on.” ani WHO Country Representative Dr Rabindra Abeyasinghe.

Pinapayuhan din ng WHO ang mga gumaling na sa COVID- 19 na kailangan pa rin nilang ma-monitor sa loob ng 1 buwan upang makatiyak na nasa maayos silang kalusugan.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: