Economic agenda ng Duterte admin, ilalatag sa 2-day business leaders conference

by Radyo La Verdad | June 20, 2016 (Monday) | 1802
File Photo
File Photo

Sisimulan ngayong araw ang two-day business leaders conference sa Davao City.

Ang “consultative conference” ay dadaluhan ng nasa dalawang daang business leaders na magmumula sa Luzon Region.

Magiging bahagi ng conference ang paglalatag ng ten-point agenda ng incoming Duterte administration sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

Nais pakinggan ng papasok na administrasyon ang mga rekomendasyon ng business sector na inaasahang makatutulong sa ipatutupad na economic policy ng Duterte administration.

(UNTV RADIO)

Tags: ,