28 sa mga B.1.1.7 Variant sa Pilipinas, maituturing na local cases – DOH Epidemiology Bureau

by Erika Endraca | February 17, 2021 (Wednesday) | 645

METRO MANILA – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Department Of Health (DOH) at mga eksperto sa mga naitalang kaso ng B.1.1.7 variant sa Pilipinas.

Lumalabas na sa 44 na kaso, 28 dito ang local

15 naman ay ang mga returning overseas Filipinos, habang ang isa ay kailangan pang beripikahin

3 na lang ang active cases sa mga naitalang kaso ng mas nakahahawang variant ng Covid-19.

Isa naman sa mga ito ang naiulat na nasawi na.

Habang 40 na ang naka-recover sa sakit.

Kasama sa gumaling ay ang 46 year old na babae mula sa Pasay na konektado MRT-3 covid-19 cluster.

Ito ay nanay ng isang empleyado ng MRT-3 na nagpositibo sa Covid-19.

Iniimbestigahn na ng DOH ang sitwasyon sa MRT-3 Covid-19 cluster kung sila ay kailangan isailalim sa genome sequencing upang matukoy kung taglay nila ang B.1.1.7 variant ng Covid-19

“Yung ating cesu at resu, konicompile na kung nasaan, pinapa- investigate na sila kung kinakailangan kung meron ba tayo dapat ireswab para yun ang ipadadala natin for sequencing. Tuloy-tuloy investigaion…we have to know if this PCR positive case is also positive with the variant.” ani DOH Epidemiology Bureau Director IV, Dr. Alethea De Duzman.

Samantala, dahil may global shortage pa rin sa reagents na gamit sa genome sequencing ay limitado pa rin ang supply ngayon sa Phil Genome Center.

Nakapagsumite na ng P362-M budget request sa Department of Budget and Management (DBM) ang DOH upang pondohan ang genome sequencing sa pilipinas para sa isang taon .

“Gusto natin na mag-order na tayo ng mas marami para makahinga naman tayo na tuloy-tuloy ang ating sequencing.” ani Philippine Genome Center Director, Dr. Cynthia Saloma.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: