28 heavy equipment, idinagdag para sa Manila Bay rehabilitation

by Radyo La Verdad | March 6, 2019 (Wednesday) | 5081

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang malawakang dredging para alisin ang mga basura sa Manila Bay.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, 28 heavy equipmentat at tinatayang 50 katao ang ide-deploy para magtrabaho ng 16 oras kada araw, anim na araw sa isang linggo.

Tinatayang 225,000 cubic meters ang basurang tatanggalin sa 1.5 kilometrong kahabaan ng Manila Bay, mula sa Manila Yacht Club hanggang US Embassy.

Dagdag pa ni Villar, target na malinis ang bahaging 150 metro mula sa shoreline sa pamamagitan ng excavation na pangunahing mekanismong gagawin ng ahensya.

Bukod sa dredging, lilinisin din ng DPWH, kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ang Philippine Coast Guard, ang mga baradong ilog at drainage sa Manila na konektado sa Manila Bay.


Tags: , ,