270 na mga bilanggo sa Cainta BJMP, napaglingkuran sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | May 22, 2018 (Tuesday) | 4166

Summer na naman at kasabay nito ang pag-init ng panahon ay ang pagdami ng mga nagkakasakit at nagkakaroon ng skin diseases ng mga  loob ng mga piitan; tulad na lamang sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cainta.

Kaya naman dito napili ng Members Church of God International (MCGI) at UNTV na magsagawa ng medical mission noong Sabado.

Dalawandaan at pitumpung mga Person Deprived of Liberties (PDL) ang nakapag-avail ng libreng medical consultation, dental extraction, optical consulation at libreng gamot.

Mayroon ring mga nabigyan ng libreng legal assistance ng mga nakiisang volunteer lawyers.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng public service ang grupo sa piitan.

 

( Jennica Cruz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,