270 barangay sa N. Luzon, delikado sa baha, landslide – NDRRMC

by Radyo La Verdad | September 2, 2022 (Friday) | 6474

METRO MANILA – Nasa 81,000 indibiduwal na naninirahan sa high risk o mapanganib sa pagbaha at pagguho ng lupa ang posibleng ilikas sa mga barangay na natukoy ng pamahalaan.

Partikular ito sa Batanes, Cagayan, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Benguet, Mountain Province, Abra, Apayao at Ifugao.

Ang isa pang pinaghahandaan ng pamahalaan ay ang paglakas ng habagat na makakaapekto sa kanlurang bahagi ng luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA, hindi naman kasing lakas ng mga pag-ulang naranasan sa pagdaan sa bansa ng Bagyong Florita ang mararanasan sa paglakas ng habagat na dahil naman kay Super Typhoon Henry.

Pero ayon sa ahensya, hindi parin dapat maging kampante ang publiko dahil kung may matapat na thunderstorm ay posibleng magbuhos parin ito ng malalakas na pag-ulan.

(Rey Pelayo | UNTV News)

Tags: ,