Pansamantalang ikinulong sa Manila Police District Station 6 ang mga kalalakihang hinuli kagabi sa Oplan Galugad operation ng mga pulis kaalinsabay ng Oplan Balik Eskuwela.
Dalawamput isa ang hinuli dahil sa paginom ng alak sa pampublikong lugar, apat naman ang naaktuhang naglalaro ng ilegal na bidyo karera at dalawang menor de edad ang dinala estasyon dahil sa pagsusuntukan.
Kumpiskado ang mga bidyo karera at mga bote ng alak.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa city ordinance number 55 na drinking in a public place at illegal gumbling ang mga suspek
Aminado naman ang mga nahuli sa kanilang kasalanan at nangakong hindi na lalabag sa batas.
Samantala naiturn over na sa Department of Social Welfare and Development ang dalawang menor de edad na nahuli dahil sa pagsusuntukan.
(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)
Tags: 27 sa Sta. Ana Manila, Manila Police District, Oplan Galugad