Snow festival sa Northeast China nagbukas na

by Radyo La Verdad | January 6, 2016 (Wednesday) | 1122
Harbin International Festival(REUTERS)
Harbin International Festival(REUTERS)

Nagbukas na ang taunang Harbin International Festival kahapon.

Mahigit isangdaang libong turista ang nagpunta para sa tatlong araw na trial operation na nagsimula noong Janaury one.

150,000 meters ng snow at 180,000 cubic meters ng yelo ang ginamit para sa mga ice sculpture na inaasahang magpapamangha sa mga turista.

Isa sa mga sculpture na hindi dapat palampasin ng mga turista ay ang 51 meter high na kastilyo.

Mahigit isang daan at animnapung artist ang nagtulong tulong sa pagbuo ng kastilyo.

Tags: ,