Niyanig ng magnitude 2.8 na lindol ang Pangasinan kaninang 04:39 ng madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim itong 9 kilometers.
Naitala ang sentro ng pagyanig sa 12 kilometer silangan ng Sual, Pangasinan.
Walang naitalang pinsala sa lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
(UNTV RADIO)
Tags: pangasinan, Philippine Institute of Volcanology and Seismology