Malacanang, itinangging 16% na lamang ng national budget ang matitira para sa susunod na administrasyon

by Radyo La Verdad | May 18, 2016 (Wednesday) | 2100

COLOMA
Sinabi ng Malacanang na walang katotohanan ang balitang 16 percent na lamang ng national budget ang natitira para sa administrasyon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, mali ang balitang nagastos na na ng Administrasyong Aquino ang otsenta porsiyento ng 3.002 trillion national budget.

Paliwanag nito, sa 3.002 trillion national budget, 2.5 trillon pesos na nairelease o binigyan otoridad na magamit ang pondo, ngunit hindi ibig sabihin nito ay naidisburse/nailabas na ang pera.

464 billion pesos pa lamang anya dito ang naiobligate na o hiningan ng financial plan na gagawing basehan ng pagaapruba ng pagrelease ng pondo o disbursement.

Siniguro din ni Coloma na maayos na iiwan ng Aquino admin ang gobyerno pagdating sa fiscal policy.

Tiniyak din ni Coloma na maayos at alinsunod sa batas ang naging paggamit ng pangulo para sa taong ito ng kanyang intelligence fund at Presidential Social Fund.

Sinuguro pa ni Coloma na papasa ang administrasyon ni Aquino sa mga pagsusuri kung sumunod ba ito sa mga batas kaugnay ng paghawak ng budget.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: