2500 AFP Personnel, stand by sa huling SONA ni Pangulong Aquino sa lunes

by Radyo La Verdad | July 22, 2015 (Wednesday) | 1310

DETOYATO
Kung hihilingin ng Philippine National Police o PNP handa ang AFP naibigay ang 2,500 personnel nito upang tumulong sa seguridad sa huli at ika-anim na SONA ni Pangulong Benigno Aquino the third sa Lunes.

Sa kasalukuyan, wala pa ring nakikitang dahilan ang AFP upang magtaas ng alerto kaugnay ng sona ng Pangulo sa Lunes.

Ayon kay AFP PAO Chief LT.Col. Noel Detoyato, malalaman ang pangangailangang magtaas ng alert level ng AFP ilang araw bago ang SONA.

Sa ngayon, wala ring natatanggap ang AFP na anumang impormasyon kaugnay ng mga banta sa seguridad.

Nakaalerto ang mga tauhan ng AFP mula sa Medical Corps, Security and Escort Batallion, Explosives Ordinance Disposal, at K-9 ng Army, Airforce, Navy, at General Headquarters.

Umaasa naman ang AFP na mapayapa ang isasagawa mga demonstrasyon sa lunes.

Tags: