250, 000 wifi points, target ilunsad ng DICT hanggang 2022

by Radyo La Verdad | January 8, 2018 (Monday) | 1362

Target ng Department of Information and Communications Technology o DICT na makapaglagay ng nasa 250, 000 na mga wifi points sa bansa.

Kaugnay ito ng Republic Act 10929 o mas kilala bilang Free Internet Access in Public Places Act na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto ng nakaraang taon.

Kabilang sa target malagyan ng mga free wifi points ang mga munispyo, ospital, mga paaralan at iba pa.

Ayon sa DICT, magsasagawa na sila ng bidding ngayong buwan para sa pagkakabit ng unang anim na libong wifi points.

Tags: ,