25-year to-pay firearms grant, ibibigay ng China sa Pilipinas ayon kay Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | December 12, 2016 (Monday) | 935

rosalie_pres-duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Secretary Delfin Lorenzana magtungo na sa China upang tanggapin ang firearms grant nito para sa Pilipinas.

Ginawa ng pangulo ang pahayag nang dumalaw ito sa Northern Luzon Command sa Camp Sevillano Aquino, San Miguel, Tarlac kahapon.

Wala namang detalyeng ibinigay ang pangulo kung anong uri ng mga baril, gaano karami at magkano ang kabuuang halaga ang nakapaloob sa naturang arms deal.

Ayon naman kay Defense Secretary Lorenza, mag-uusap pa sila ng Chinese government hinggil dito.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na handa ang China na magbenta ng armas sa Pilipinas.

Ito ay matapos na lumabas ang isyu kaugnay ng umano’y planong pagharang ng isang US senator sa pagbebenta ng estados unidos ng assault rifles sa Pilipinas.

Dahil umano ito sa pagtaas ng kaso ng extrajudicial killings sa bansa at anti-drug war ng pamahalaan.

Tags: ,