Naghain ng mosyon sa Sandiganbayan si Muntinlupa City Cong-Elect Ruffy Biazon na humihiling na idismiss ang mga kasong isinampampa ng Office of the Ombudsman laban sa kanya.
Nahaharap si Biazon sa graft, direct bribery at malversation dahil sa umano’y 3 million pesos na Priority Development Assistance Fund o PDAF na inendorso para sa mga proyekto ng lone district ng Muntinlupa taong 2007.
Kapwa akusado ni Biazon si Janet Napoles na umano’y tumayong middleman sa mga transaksyon ng PDAF.
Ayon kay Biazon, inendorso lang niya sa piling implementing agencies ang kanyang PDAF at ito na umano ang pumili ng mga NGO.
Wala rin aniyang matibay na ebidensya na tumanggap siya ng kickback o kumisyon mula sa mga transaksyon.
Dagdag pa ni Biazon, walang basehan ang kasong graft dahil hindi naman aniya siya nakipagsabwatan kina Napoles at iba pang pribadong indibwal.
Dahil dito, hinihiling din ni Biazon na iisantabi ng korte ang pagiisyu ng warrant of arrest at hold departure order hanggat hindi nito nireresolba ang motion for judicial determination of probable cause.
(Joyce Balancio/UNTV NEWS)